You need to add a widget, row, or prebuilt layout before you’ll see anything here. 🙂
san-vicente-covid-19-vaccines

Tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente ang unang batch ng bakuna kontra COVID-19 mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan kahapon, ika-15 ng Marso, taong kasalukuyan.

san-vicente-covid-19-vaccines

Si Mayor Amy Roa Alvarez ang personal na tumanggap ng 500 doses ng AstraZeneca vaccine na inihatid ni Provincial Immunization Officer Meyrick Garces ng Provincial Health Office (PHO) sa Rural Health Unit (RHU) ng munisipyo.

Agad na inilipat ang naturang suplay ng bakuna sa vaccine ref.

“[Ito] ay nagsi-signify na makakapagmove-on na tayo roon sa next phase – parang another step in battling this pandemic,” ani Municipal Health Officer Mercy Grace S. Pablico sa pagdating ng bakuna sa munisipyo.

“[Ito] ay nagsi-signify na makakapagmove-on na tayo roon sa next phase – parang another step in battling this pandemic,” ani Municipal Health Officer Mercy Grace S. Pablico sa pagdating ng bakuna sa munisipyo.

san-vicente-covid-19-vaccines

Sa kaparehong araw ay tinanggap din ng San Vicente District Hospital (SVDH) ang 200 doses ng Astrazeneca vaccine mula sa PHO.

Napag-alaman kay Dra. Pablico na ang unang batch ng bakuna ay nakalaan para sa mga healthcare frontliners ng San Vicente.