san-vicente-palawan-blood-donation-drive-at-kemdeng

Tatlumpu’t pitong (37) indibidwal ang matagumpay na nakibahagi sa isinagawang blood donation drive sa Kemdeng Elementary School kahapon, ika-25 ng Marso.

Ito ay kinabibilangan ng 13 babae at 24 na lalaki na boluntaryong tumungo sa aktibidad upang maging kabahagi sa pagdudugtong at pagsagip ng buhay ng mga taong nangangailangan.

Ang regular na gawain ay pinangungunahan ng Municipal Health Office sa pakikipagtulungan sa Philippine Red Cross.

san-vicente-palawan-blood-donation-drive-at-kemdeng
san-vicente-palawan-blood-donation-drive-at-kemdeng