dressmaking-training-at-port-barton

Sumasailalim sa pagsasanay ang 20 kababaihan ng Bgy. Port Barton sa Dressmaking NC II na magkatuwang na itinataguyod ng Pamahalaang Bayan ng San Vicente, Congressman Franz “Chicoy” Alvarez at ng pamunuan ng Puerto Princesa School of Arts and Trade (PPSAT).

Ang pagsasanay na nagsimula noong araw ng lunes, ika-8 ng Marso, ay bahagi ng pagdiriwang ngayong taon ng National Women’s Month.

dressmaking-training-at-port-barton

Dumalo sa pagsisimula ng pagsasanay sina G. Carlo A. Butizon, Executive Assistant V mula sa Office of the Mayor, G. Rene Socrates ng PPSAT at Barangay Kagawad Mary Ann P. Lagrosa.

Ayon kay G. Buitizon, ito na ang pangalawang pagsasanay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan sa Bgy. Port Barton ngayong taon. Nitong nagdaang buwan ay nagsagawa ng Basic Life Support and Standard First Aid training para sa mga tourism personnel ng naturang barangay.

Kanya ring hinikayat ang mga nagsasanay na linangin at pagyamanin pa ang mga kaalamang matututunan.

“Kung ano man ang matutunan natin dito [at] benefits na makukuha natin, pagyamanin, pasalamatan at ingatan natin,” ani G. Buitizon.

Ang pagsasanay sa Dressmaking NC II ay binubuo ng mga competencies na dapat matutunan ng mga nagsasanay tulad ng pagdraft, pagputol, paglalapat at pagtatahi ng mga materyal at tela para sa mga casual apparel. Ang mga nagsisipagtagpos sa pagsasanay na ito ay kwalipikadong magtrabaho bilang mga dressmaker at garment sewer.